Sunday, June 27, 2010

Kwentong ganda ever so much

Akala ni Orman, sya lang ang may kaya
Magsulat ng patula at nakakatawa
Pwes ako rin, gagayahin ko
Sa pagkwekwento ko
Kung paano ko nalaman ang
GandaEverSoMuch.com

Teka, teka, teka
Paano nga ba?
Sa Olaer ko sya unang nakilala
Isnabero nga,
Este, isnabera and lola
At di gaanong pinansin ang beauty ko (hmp!)
Sumunod sa Tuna Festival
Habang judge ako sa cooking contest
Pero di rin kami nagpansinan
Di pa kasi kami close
In fairness to him,
Nung nakaibigan ko na sya
At nalaman nyang nagjudge ako
Tinanong nya agad kung pinansin nya ako

Paano nga kami naging friends?
Ahh oo nga pala
Pinakain ko lang sya ng
Homemade Spanish sardines ko
Close na kami
Lalo pang naging palagay ako
Nang malaman kong may mga anak na kami
Si Pasta at si Chad

At nakiramay din sya
Nung mawala si Shadow girl sa piling ko
Nakigulo sa paghanap ng pangalan

Nuon ko rin nalaman ang blog nyang
GandaEverSoMuch.com

Sa una'y, hhmm...
Anong klaseng blog `to
Sa pangalawa'y, ano na naman kaya
Ang isinulat ni Orman?
At ngayon sa araw-araw
Inaabangan
Ang mga kwento at emo
Para mo na rin kasing naranasan
Ang pinagdaanan nya
Matatawa, maiiyak ka
Parang life talaga.

Kaya’t heto, umabot na
Sa 200 words
Ang blog post na ito
Kaya’t ako’y tapos na po.

Happy 1st anniversary of your blog, Orman!
Ganda Ever So Much!